kwentuhan nanaman tungkol sa school!
===
kahapon...
---
nagulat kami kahapon kasi we were expecting sir utanes to come in for our physics class.. yun pala, si sir jess reyes na! sobrang bait, astigin.. mukha pang bata, kahit na nasa late 40s na siya.. tapos gusto ko ang standards niya..
andami pang bonus points kamo! may bonus points sa pag-pass ng assignments on time.. may bonus points pag long tests.. may bonus points pag hindi ka nale-late o naga-absent.. may bonus points para sa extra work..
astig! go for the 1.00 na ba ito?!
---
shet.. pinabasa samin ni palmea ang chapters 1 to 4 ng rizal, yun pala, inde pa namin idi-discuss.. my god! nagpuyat ako para lang basahin at i-digest yung andaming text na yun, tapos walang patutunguhan?! waaaaaaaaaaaaaa....
[nakalimutan ko na kasi yung binasa ko, kaya talagang walang kwenta.. ^_^]
---
pucha, in-alphabetize ni dela cruz yung seating arrangement namin.. nasa fourth row ako! shet naman.. nearsighted pa naman ako.. pano na yan?!
sabi niya kung sino daw ang may gustong magpalipat ng upuan, okay lang daw sa kanya.. pero ayoko nga.. ma-special mention pa, e..
---
galing talaga ni madulid.. ambilis niyang mag-lecture, pero maiintindihan mo talaga.. yung tinuro nga niya kanina, mabilis ko lang na natandaan.. we had the same lecture with sir pruds when we were in third year, bumagsak ako nun! ngayon optimistic ako.. mukhang magiging masaya itong chemistry 2 ko..
go for the 1.00 nanaman ito!
===
kanina naman..
---
kanina, pinadala kami ni sir jess ng 12 na test booklets.. para sa eklat niya.. pero, mind you, his eklat works.. yung twelve booklets na yun, for our tests and for some other school work.. tapos lahat yun nakalagay sa clearbook..
organized.. too organized..
---
first meeting namin sa chemlab kanina.. sir mapúa ang pangalan.. mabait.. gusto ko siya, kasi he explained in detail kung ano ang ilalagay namin sa lab reports namin.. nakakahiya man aminin, kanina ko lang talaga naintindihan kung ano ang dapat na ilagay sa mga reports.. he gave us tips pa pala.. astig talaga..
nagulat ako kanina, kasi, classmates kami nina Tin-Tin! mabuti naman, kasi mahirap mag-lab kung strangers ang mga makakasama mo.. kaya nga mababa yung grades ko sa mga lab dati..
---
first meeting din namin kanina sa physics lab.. si sir de leon, medyo pa-effem din tulad ni sir jess, pero it works, kaya okay lang..
swerte talaga ako ngayong term sa lab subjects.. nag-explain din ng mga standards niya, tapos hindi pa siya masyadong strict tulad ni sir jess at sir mapúa..
tapos classmates ko rin pala ngayon yung classmates ko nung english 3.. astig!
===
diba i'm aiming for a scholarship this term? well, mabait ang diyos.. tinutulungan ako..
prof ko sa physics 2, si sir jess reyes na! physics lab 2 ko naman, kabarkada yata ni sir jess.. mabait si mam madulid, lalo na si sir mapúa..
problema ko nalang ngayon si sir dela cruz..
no comment kay palmea.. :embarasslaff:
Thursday, April 21, 2005 at 7:05 PM